WHERE TO STAY IN BAGUIO CITY!

WHERE TO STAY IN BAGUIO CITY!

(Note: This is not a sponsored post πŸ˜„)


Maraming nagtatanong sa'kin kung may alam ba akong hotel, transient house, o homestay sa Baguio.
Ewan ko ba, hindi naman ako taga Baguio... hindi rin naman ako mahilig mag Baguio. CHAROT!!! πŸ˜³πŸ˜„πŸ˜
Eto na! Mamimigay na ako ng tips kung saan at paano makakahanap ng mai-stay-an sa Baguio this Holiday season hanggang Panagbenga!
Kaya tiyagain mo nalang kung medyo mahaba.
Base ito sa mga karanasan ko sa pag-akyat ng Baguio alone, with jowa, and with family.
1. Kung may Budget ka, mag Hotel ka na! Ganon ka-simple!
Pero Agahan mo ang pagpapa-reserve para nakakuha ka ng room na malapit sa down town Baguio.
Mga nasa 2k- 5k yan for sure depende siyempre sa Hotel at sa dami ninyo.
2. Hotel on a budget: Meron din namang mga 1k-2k/night pero asahan mo na medyo malayo na 'to sa downtown.
Tandaan lang na Peak Season ang November - February kaya asahan na mas mahal ang lahat ng presyo ng accommodations πŸ‘Œ
3. Transient houses. Depende yung presyo niyan sa laki at lapit nito sa downtown. Usually, mga nasa 2k-4k din presyohan niyan. Mas maganda to sa tingin ko kasi may lutuan kasama na yung mga plato, baso, kubiertos, saka Gasul o M-Gas (kung trip nyong magluto-luto syempre)
Merong transient houses na buong bahay ay sa inyo, meron din naman yung type na condo at apartment style. Kayo ng bahala kung anong trip ninyo.
4. Homestays: Kasama mo jowa mo? O loner ka na nagso-soul searching sa Baguio? Tapos on a tight budget ka pa? Homestay ang para sa'yo! Ang pinaka murang homestay na napuntahan ko ay 500/night. Basic lang yung room. Maliit na kuwarto na may kama na may maliit na TV. Communal nga lang o may ka share ka ng banyo. Okay na ito, hindi ka naman umakyat sa Baguio para mag babad sa kwarto diba? Maliban nalang kung mag lalabing-labing kayo ni mister o ni misis hihi! πŸ˜
Meron din akong napag-stayan na tig-800/night pero ang kinaganda non, may ref, tv, at may pagkalaki laking cr na solo ko! Medyo lalakarin mo lang ng konti yung burnham park.
Pwede na yan sa magjowa. Mas lalong okay na rin yan kung solo ka lang.
(Hold on! May No.5 pa)
ULTIMATE TIP!
Magtingin tingin ng mga groups at pages sa facebook. Pwede ka din makapili ng mga matutuluyan mo dyan. Syempre google mo na din kung nag eexist yung place.
5. The Shotgun!
Kung wala ka talang makita, tas hindi mo din trip tong mga binigay kong advice sayo, gawin mo tong Shotgun style na ginawa namin twice ng family ko.
Umakyat kami ng Baguio ng walang kinontact na matutuluyan! HAHAHA YOLO!!!
(Effective to saka safe din)
Sa may Burnham park, dun sa outer oval na daanan ng mga sasakyan, may mga tao doon na nagaalok ng matutuluyan na Hotel, transient, o homestay. Madalas mo silang makita na naka vest o may uniformed t-shirt. Minsan may dala din silang mga karatula o pictures.
WAG KAYONG MATAKOT sa kanila!πŸ’•
Mga tao sila ng tourism office (yun ang pakilala nila sa amin eh) Parang ahente ba. May mga I.D. sila. Mahahanapan ka nila ng matutuluyan.
Ang kinaganda pa non, pag kinuha mo ang service nila, may certain percent %OFF sa presyo ng tutuluyan ninyo! Naka menos gastos ka na, nakatulong ka pa sa pamilya ng naghanap ng matutuluyan ninyo.
LEGIT to brad! 2 beses na namin nagawa tong Shotgun style πŸ‘Œ
Ipopost ko din yung mga pictures ng Business cards na meron ako. Contakin nyo nalang para makapagdecide kayo tapos bahala na kayo makipag usap. Malalaki na kayo hehehehe! May caption bawat photo. Pakibasa nalang.
THANK ME LATER πŸ‘ŒπŸ˜
Follow mo ako sa Instagram kung nakatulong ako.
Subscribe ka na din sa Youtube ko hehehe GOOD LUCK AND ENJOY THE MOMOL weather ng Baguio hehehe 

Image may contain: text
Highly recommended. 800Php/night na room with ref,tv, at sariling cr ang nakuha ko dito nung nagstay ako magisa.
No photo description available.
Natry ko na yung sa may Kisad Road. Up hill ang place. Easy to go outside, cardio workout ang pabalik hahaha! Malapit sa Burnham park (Kisad road eh) Hotel to kaya may kasamang breakfast to! hehehe πŸ‘Œ




ssdsad
No photo description available.
Si kuya Jhong. Hanap mo ba ay homestay, transient house? Baka makatulong siya.

Homestay ang nakuha ko dito. Good for 2 na may tv at fridge. Communal nga lang yung banyo. Parang isang malakinh bahay na baway kwarto may ibang naka check in. πŸ˜

No photo description available.
Mr&Mrs Pati. Kung gusto mo ng Transient house, contact mo na sila! Dito kami nakakuha ng isang buong bahay tapos sa amin yung buong place. May gate pa yung parking. Ito yung sinasabi ko na nag Shotgun style kami! Bale ito yung first time namin family. πŸ‘ŒπŸ˜Š










No photo description available.
Transient house? Homestay? Hotel? Si Kuya Leo na bahala sayo.

No photo description available.
Transient house ang specialty ni mang Danilo.

Siya yung tumulong sa amin na makahanap ng matutuluyan ng 11pm. Sa Ina Mansion pa! Condo style na transient house! Tatawid ka lang nasa burnham ka na!

For more Travel and Food blog, feel free to follow me on:

Facebook: https://www.facebook.com/joferson.balmonte
Instagram: https://www.instagram.com/jofycreams/

Twitter: https://twitter.com/JoferBalmonte
Youtube: https://www.youtube.com/channel/UC3DyF7IEdDYo_f4HwXx0Gkw

Comments

Popular posts from this blog

Paano Ba Manligaw: Pinoy style (How To Court Her: Filipino Style)

Filipino Food: Insarabasab, a local Ilocano way of grilling pork!

The Day After Valentine's Movie