Paano Ba Manligaw: Pinoy style (How To Court Her: Filipino Style)


PAANO NGA BA ANG MANLIGAW?

Napakaraming katanungan na ang aking natatanggap tungkol sa panliligaw.
Marami nang mga usapin, kwentuhan, at mahabang inuman ang nasayang dahil sa usaping ito.
Madalas ay naririnig lamang natin ang panig ng mga kababaihan tungkol sa usaping ligawan. Pagkatapos  kasi manligaw ng isang lalaki, minsan ay ayaw na nilang pagusapan pa kung paano nila ginawa ang panliligaw sa kanilang mga girlfriend o asawa.

Sa part na 'to, ang mga experiences naman ng mga lalaki ang ating aalamin at pag-uusapan.

PAANO NGA BA MANLIGAW ANG ISANG TUNAY NA LALAKI?

Yung tipong May flowers and roses ba o yung simpleng panliligaw lang ang effective sa mga babae?

Madalas kasi naa-underestimate ang mga boys.

Madalas sinasabi ng iba ay, "Naku, binigyan ka ng roses? I'm sure sa umpisa lang 'yan ganyan." O kaya minsan naman, "Naku, Wala manlang mairegalo sayo yang nanliligaw sayo? Wala yatang pera yan e. Mapapakain ka ba nyan??"

ANG HARSH NILA DIBA GUYS?!

Minsan talaga may mga taong masasama ang ugali. Minsan may mga taong nagpapa-asa lang at yung iba naman pine-perahan lang tayo.
Hindi naman natin pinilit na mahalin sila, diba? Pero bakit ganoon, kahit anong gawin natin, parang olats parin tayo?

Kaya heto, bibigyan ko kayo ng ilang tips kung paano mapasagot ang babaeng mahal mo!

READY NA!


BUY HER FLOWERS


Tama! Bilan mo siya ng roses o pwede ring sunflower. Depende sa kung anong gusto niyang flower. Karamihan ng mga babae ang gusto ay binibilan sila ng rosas o kahit anong precious na bagay.

Mamimigay ka na rin lang, yung pang Instagram.
Yung isang tipong pwede nyang i-share sa girl friends niya!
Pero minsan pwede ding kahit card lang na gawa mo.
Basta ang tatandaan mo, dapat yung ibibigay mo ay maganda, presentable, at mabango.
Yung galing sa puso.


MAGPA-IMPRESS


Tulad ng panghaharana! Gawan mo ng kanta, ng tula, ng painting, o kahit sumayaw ka kung kaya mo.
Walang tatalo sa old fashioned pero sweet na panliligaw.
Una sa lahat, hindi ganun kagastos at kung habulin ka man ng aso nila, at least napangiti mo siya at napakilig mo siya.
Ang tatandaan mo lang, dapat ang kakantahin mo ay Love song. 
wag emo o japanese animé song, siyempre dapat favorite niya! Pero kung gusto niya ng k-pop, good luck nalang, brader!

Tandaan mo, pre. WAG na WAG kang pipiyok.
Practice ang kailanagan pare!


GUMAWA NG GIMIK


Kung sa tingin mo ay kulang ang pagbili ng roses at paghaharana, puwes, gumawa ka ng gimik.
Oo tama! GIMIK!
Hindi kailangan mahal o sobrang ganda ng gimik mo, basta yung tipong mapapa-impress mo lang yung mahal mo, gaya ng pag gamit mo sa mga kaibigan mo bilang mga tagahawak ng tarpaulin, tagahawak ng roses, ng baloons o simpleng kasama lang sila sa panghaharana.

Tandaan mo lang na kung gagawa ka rin lang ng gimik, gawin mo ito sa maraming tao, yung tipong maraming makakakita.
Sayang naman ang effort ng mga barkada mo kung hindi makikita ng buong madlang people na SOBRANG MAHAL MO yung mahal mo.
Tatandaan, mas maganda kung pang Instragam ang datingan. Yung makakarami ng likes sa facebook!
Medyo risky nga lang ito dahil pag na-basted ka. Ouch! Infinite heartbreak ito pre.
Pero kung na execute ng maayos, it will bear fruits!


ASK HER FOR A DATE


Gaano ba ka-importante ang pakikipag date sa nililigawan mo? Ito lang naman ang nag i-establish ng pagiging malapit ninyo sa isa't-isa.
Dito mo rin makikita ang tunay na ugali ng mahal mo. Kung ilang extra rice ang kaya niya sa isang upuan.
Sa mga ganitong klaseng date mo mahahanap kung saan ang kiliti nya sa isang relasyon.
Ang tatandaan mo lang sa pakikipag date, okay lang ang holding hands. Wag mo lang siya hahalikan sa una ninyong date, utang na loob.
Maliban nalang kung siya ang nag initiate.
Pwede kasi yun maging SCORE DOWN o MAJOR TURNOFF sayo.
Kaya easy lang dapat. Chill ka lang!


KNOW AT LEAST ONE GOOD JOKE PER DAY


Yung mapapatawa mo siya. Pare, sa panahon ngayon, kahit hindi ka ganon kagwapo, basta alam mo kung paano siya pasiyahin, okay na sila don! Ganon lang kasimple.


BE A GENTLEMAN AND BE YOURSELF


Maging totoo ka lang sa sarili mo. WAG mong lokohin ang mahal mo.
Love should alway be true and constant.
Maging seryoso ka, maging maunawain, at higit sa lahat maging gentleman sa lahat ng aspeto.
PLUS POINTS yun sa isang babae kapag gentleman ka.
Pero ewan ko rin, kasi nauso yung Fifty Shades of Grey eh.
Dapat medyo #badboy ka din kung minsan.
Find the perfect spot between being a gentleman and badboy, bro.

Sana'y nakatulong ako sa mga lalaking manliligaw at nagbabalak manligaw diyan!
Kung may mga katanungan pa kayo about sa love, WAG kayong mahiyang lumapit sa akin at ating sabay na aalamin at hahanapin ang sulusyon ng mga queries ninyo.

Comments

Popular posts from this blog

Filipino Food: Insarabasab, a local Ilocano way of grilling pork!

Baloy beach in Olongapo City, Philippines! 2Hrs away from Manila?!