The Day After Valentine's Movie

The Day After Valentine'sDirected by Jason Paul Laxamana





**WARNING** Spoilers ahead!

Minsan ka na bang nag-assume? Umasa at nagpaasa?
Napanood ko na yung film at masasabi kong isa ito sa mga pinakamaganda at pinag-isipang pelikulang Filipino sa taon na ito.
Pagusapan natin yung mga 5 points na nagustuhan ko sa film.


5. Gusto ko yung ipinasok nila ang Baybayin pelikula. Isa ako sa mga namangha sa pagka-unique ng sarili nating sistema ng pagsulat. Cool na ang Baybayin eh, pina-cool pa nila lalo! Maaaring sabihin na nagdagdag ito ng kamalayan sa ating mga Filipino na tuluyang saliksikin ang paggamit ng Baybayin.


4. Ang galing ni Bela Padilla! As always!
May isang scene sila ni JC Santos sa loob ng kotse.
Habang nagtatalo ang mga characters nila Bella at JC, hinawakan ni Bela ang tenga niya habang umiiyak.
You see, ang isang taong nag daan o nagdaraan sa isang matinding pagsubok sa buhay ay nagkakaroon ng mga mannerisms. Sa simpleng paghawak niya sa tenga, napakita niya na emotionally wrecked, broken, and disturbed ang kanyang character.



3. Tigilan na natin ang pagtatanong ng "Okay ka lang ba?" dahil wala nga namang aamin na hindi sila okay!
Ilagay nating lahat iyan sa sticky note, salamin sa kuwarto, sa pinto ng ref, reminder ng cellphone at sa wallet natin.



2. Nakarelate ako at ang kapatid ko sa lolo ng character ni JC na isa sa mga unang mga OFW sa Hawaii para magtrabaho sa plantasiyon ng pineapple.
Kung tunay na tao yun, malamang magkasama sila ng greatgrandpa namin.
Aloha to our uncles and aunties in Hawaii!


1. Meron talagang mga taong emotionally wrecked and broken pero madaling makalimot.
Meron din namang mga strong and independent people na mayroong mga sugat ng kahapon at nagnanaknak pero nakatago.
May mga steps na pinakita ang character ni Bela kung paano makalimot. Kung tawagin ay ang "Halo Effect"

Siguro mas maganda kung mapapanood mo kasi pwede rin itong maging effective sayo.
Sabi nga diba, heart doesn't forget. It only let things pass and fade.
Magfe-fade ang mga sugat pero may good memories na kasave-save. Kapag ngumiti ka na habang naaalala ang mga napagdaanan mong yun, kapag kinapupuplutan mo na ng lessons, masasabi mo nang nafi-fix ka na.
Ito na ang umpisa ng PAG-HI-LOM.

Photos aren't mine. All photos in this blog came from the official Facebook page of The Day After Valentine's
Link below:

Comments

Popular posts from this blog

Paano Ba Manligaw: Pinoy style (How To Court Her: Filipino Style)

Filipino Food: Insarabasab, a local Ilocano way of grilling pork!